Handa nang ipatupad sa Bayan ng Luna, La Union ang ibat ibang ‘Social Technologies’
Ang DSWD ay bumuo ng iba’t ibang programa na tinatawag na ‘Social Technologies’ na may layuning solusyunan ang mga nakikitang pangangailangan ng mga indibidwal o pamilya na nasa ‘laylayan’ ng lipunan o madalas na hindi naisasama sa mga malakas na puwersa patungo sa pagpapaunlad o kaunlaran.
Naipapaliwanag sa bawat ‘consultation dialogues’ na ginaganap sa mga Local Government Units (LGUs) ang patutunguhan ng bawat nakumpletong proyekto o programa. Kasama dito ang kahalagahan nito sa mga ‘vulnerable individuals/families’. Base dito, ang LGU na ang pipili ng akmang programa para makatulong or magsilbing solusyon sa mga problema ng kanilang nasasakupan.
Isa ang bayan ng Luna, La Union sa mga mabilis na tumanggap ng mga ‘completed social technologies’ ng DSWD na binubuo ng mga sumusunod: 1. Family Drug Abuse Prevention Program (FDAPP) 2. Comprehensive Intervention Against Gender-Based Violence (CIAGV) 3. BUKLOD Paglaom para sa Children in Conflict with the Law (CICL): Holistic Psychosocial and Economic Interventions for Children in CICL 4. Gender Responsive Case. Management (GRCM) 5. Counseling Services for the Recovery of Perpetrators of Domestic Violence.
Kamakailan ay nakapanayam ng Social Marketing Unit si Ms. Jeannette Padilla, MSWDO ng naturang Bayan patungkol sa mga programang ito.
#DSWDMayMalasakit
#DSWDUnoBuongPusongSerbisyo

